FRIDAY THE 13TH?! :/ :\

JULY 8, 2011!

according to my diary,

Grabeh talaga tong araw ng JULY 8, 2011 na to! FRIDAY! pero di naman FRIDAY THE 13th! super minalas talaga ako! o dahil na din sa what we so called na “KARMA?!” Ang super bad ko kasi that day. dahil sa ako ang kauna-unahang dumating sa room namen sa 6th floor! Grabeh! 6th floor pa talaga! ang taas no?!, dahil may klase kami every friday ng 7:30-10:30 sa 6th floor.

Inaabangan ko yung mga friends ko (anda, nicole, sey, at jm) na dumating sa room. dahil sa wala pa nga akong kasama at makausap. kaya iniintay ko sila sa may corridor. dahil nga nasa 6th floor kami.. ang advantage ko nun ay makikita mo lahat ng mga naglalakad sa baba. as in! kita talaga! lahat talaga! kaya nung nakita ko ng dumating si anda nun, ay tinawanan ko talaga siya ng sobra-sobra dahil sa siya ay tumatakbo! at talagang todo-todo na sa pagmamadali! dahil ang akala niya ay late na siya! ayun! kaya sa kakatawa ko the whole morning..

Pagdating ng hapon..

2:30 ay may klase na ulit kami at yun ang PROGRAMMING III (COBOL PROGRAMMING) pinapasa ni maam fabregas ang assignment namen sa prog at nag pa seatwork siya about dun sa recent topic namen sa prog na “STRUCTURED FLOWCHART” at pagkatapos nun ay sinagutan na namen yung seatwork na yun.

At unexpectedly! as what they usually says, “EXPECT THE UNEXPECTED!” nag simula ng mag tawag si maam ng mag rerecite para sagutan yung problem flowchart.

At di ko alam kung ano ba dapat na term ang gagamitin ko. kung “LUCKILY” o “BADLY” ba? dahil unang sabak ng tawag ni maam ay AKO! OO! AKO! AKO NGA! kaagad ang natawag ni maam! kaya nagulat at nagulantang talaga ako! dahil yung part na pinapasagutan niya saken ay di ko pa talaga na sasagutan! kaya yung mga time na yun di ko talaga alam ang gagawin ko! kaya para talaga akong ewan na napatunganga at natulala na lang!

Siguro yan na ang karama saken during that day! dahil sa dami-dami ng mga kasamaan na pinag gagawa ko nun eh! karma ko na talaga yun! kahit na hindi talaga siya FRIDAY THE 13th! pero parang FRIDAY THE 13th pa din ang FRIDAY na yun para saken! dahil nga sa nangyari na yun!

And, that the reason why I called this post as “FRIDAY THE 13th?!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: